DZRH NEWS
Pinawi ng mga small at independent oil players ang pangamba laban sa napaulat na kakapusan ng supply sa ibang panig ng Metro Manila.
Binigyang-diin ng Independent Philippine Petroleum Companies Association na sapat ang kanilang kakayahan na tugunan ang mga kahalintulad na problema.
Ayon kay Fernando Martinez, chairman ng nabanggit na samahan, nananatiling normal ang kanilang supply para punan ang demand sa kalakhang Maynila.
Ginawa ni Martinez ang pahayag matapos i-anunsyo ng Shell ang aberya sa kanilang supply dahil sa nangyaring pag-shut-off ng pipeline sa First Philippine Industrial Corp. sa lalawigan ng Batangas.